logo.jpg

Hinde ako Papatalo part. 1
Home
About Me
Chance
Ang Pasasalamat
I need Explanations
Last sorrow
Shadow of loneliness
My essays

pananaw nang isang sawi sa pagibig

pag ibig? kayang kaya ko yan! kasawian yun lng? soon i will move on..yan ang mga kataga ng mga broken hearted like me. minsan napaka hiwaga nang pag ibig isipin mo mahuhulog na lang ang loob mo sa isang tao na ang katangian ay minsan ay wala sa iyong panuntunan.tpos sa kahuli hulihan maghihiwalay din kayo. ang saklap pero eto ang katotohanan. sabi nila if you learn to set people free you will learn the true meaning of love...pero wala na eh paano mo pa sya mamahalin kung wala na di ba? at napunta na sa iba.
 
             fate shall decide....hayz isa pa to...minsan nakakapagtampo sa tadha kase para kang pinaglalaruan.ano ba ng totoong tadhana? pagkaka alam ko ang tadhana ay nasa kamay siguro lang di nya will(God) ang pinipili mong tadhana. minsan masakit pala pag nalaman mo sa huli na mahal mo yung babae tapos malalaman mo na di na sya pwede at nahuli ka lang magtapat dahil nalaman mo rin na mahal ka nya. ang saklap! kung pwede lang akong uminom at magpaka lunod sa alak nag swimming na ako!
 
             sabe nila ang lahat daw ay may katapat! ang lahat nang tao ay may nakatakdang mamahalin at minamahal! pero bakit "lord ako di ko makita ang katapat ko?"  sana po ibigay nyo na sakin ngayon din..ganyan ako ka despair.
pero syempre dapat maghanap yata muna ako bago ako i grant ni lord nang mamahalin. Siguro kung magsasalita lang sakin si God sasabihin nya "Noel, relax ka lang may dapat ka pang matutunan".well What ever he's plan I know it perfect.
 
             lagi ko na lang sinasabe sa sarili ko na kaya ko to. matatapos din ang unos sa buhay ko ang pag ibig ay sisibol sa panibagong pagkakataon. yan ang bago kong adhikain sa pagmamahal at pag ibig. may darating...sana nga lang di matagal kasebaka  tatanda akong binata nito at ayokong mangyari yun! gusto kong magka pamilya at mamuhay nang simple. teka nangangarap na naman ako...hayz...sa katotohanan? wala as in wala!
 
            Noel your such a value to others....yan na lang ang pampalubag loob ko sa sarili ko. kahit na nakikita nang iba na ako ay parang payaso na ngingiti sa kanila pero di nila alam na akoy halos mamatay na sa sakit na nararamdaman nang kalooban ko. ang saklap!  dumating ka na please.....ready na kitang mahalin!  eto ang promise ko! pag nagmahal ako ulit papangako ko na di ko na sya pakakawalan. di ko sya sasaktan. pahahalagahan ko sya at di ko gagawin pang lumuha sya. gagawin ko ang lahat para lang lumigaya sya.....pero sa ngayon iisipin ko muna kung paano ko sya matatagpuan baka lang nasa tabi tabi or baka naman nasa past ko sya. di ko alam.
 
 
                 sa adhikain nang isang broken hearted na katulad ko... kaya ko to! kakayanin kong maging masaya kahit wala ka. magiging maayus ang buhay ko kahit wala ka. kung lumapit ka man sakin baka di na kita mapansin kaya hanggat maari wag ako ang lalapitan mo. kaya ko ang lahat nang pains! ngunit eto ay bukambibig lamang at eto ay kabaliktaran lamang. sa likod  ng  isipan  at puso nang isang broken hearted?.....wag mo na akong iiwan pa... tatanggapin kita kahit anu pa man...mahal pa rin kita....
 
 
 
                                                                                         -nbg<nov. 1, 2008>
 

Enter supporting content here